^

Police Metro

Bangkay ng lalaki, lumutang sa estero

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa isang estero sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa 15 hanggang 20-anyos, katamtaman ang laki ng pangangatawan, may taas na hanggang limang talampakan at walang suot na damit pang-itaas.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-7:56 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa Buhangin Creek sa Sta. Ana ng nagpapatrulyang  security guard.

Kaagad niya itong ini-report sa mga otoridad upang maiahon ang bangkay at maimbestigahan.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng inanod lang sa lugar ang bangkay.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with