Mga model, sumali naman sa Kawanggawa

MANILA, Philippines — Hindi na lang mga model ang hina-handle ni Farah Ramos, ang founder and chief executive officer ng Farah Models.
Si Farah ay anak ng veteran showbiz writer na Chit Ramos.
At her age, 30, president na siya ng Rotary Club of Mandaluyong Uptown na nag--encourage rin sa mga model at mga kabataan na mas aktibong makilahok sa public service.
Sa pagsisimula ng kanyang termino, sinabi ni Farah ang kanyang planong pag-ugnayin ang mundo ng fashion and volunteerism sa pamamagitan ng pag-encourage sa mga taga-entertainment and modeling industry na gamitin ang kanilang impluwensya upang makalikha ng positibong pagbabago gamit ang mga programa ng Rotary.
At ang isa sa mabilis na nakisali ay ang beauty queen at professional model na si Vienne Luna, na itinalagang pangulo ng Rotaract Club of Mandaluyong Uptown—ang organization ng Rotary para sa mga kabataan. Si Vienne ay isa sa mga nangungunang talent ng Farah Models at kabilang sa mga artist ng talent arm ng TV5, Star Worx.
Ganundin ang award-winning television reporter Su Jin Kim, model and content creator Eula Arielle,at iba pang talent ng Farah Models and Farah Models Camp.
Sumuporta naman ang former Pinoy Big Brother housemate and international model Laziz Rustamov sa community initiatives ng pinamumunuang organisasyon ng kanyang manager, recalling his previous volunteer work repainting classrooms during Brigada Eskwela.
Kasama rin sa mga nalalapit na outreach activities nila ang model at miyembro ng New Flame na si Venus Perol at ang matagal nang talent ng Farah Models na si Riona Johnston, na parehong nangakong makikiisa sa mga future project nito.
Kabilang naman sa mga pangunahing programa ng organisasyon ay ang HearForward: Helping Ears Access Restoration, isang humanitarian project na magbibigay ng mga hearing aid, earmold, battery at iba pang serbisyo sa pag-aayos ng mga may kapansanan sa pandinig.
“We have so many meaningful projects lined up for this Rotary year, and we are excited to create lasting impact together with the members of RCMU, our Rotaractors, volunteers and community partners,” say ni Farah na nahulog pa sa kanal kamakailan kaya na-delay ang induction niya as president ng Rotary Club of Mandaluyong Uptown.
- Latest























