Overnight parking sa malls libre sa pananalasa ni ‘Inday’ – MMDA

MANILA, Philippines — Bukas ang mga parking spaces ng mga malls para sa overnight parking para sa inaasahang epekto ng Bagyong Inday (international name Bavi) sa buong Luzon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes.
Batay sa isang memorandum order na may petsang Hulyo 9, 2026, sinabi ni MMDA Don Artes ang kahilingan ay magiging epektibo simula Huwebes ng gabi, Hulyo 9, at magtatagal hanggang sa makalabas na ng bansa si Bagyong Inday.
Sa hiwalay na advisory ng MMDA, ilang malls at kanilang mga sangay ang nag-aalok na ng libreng overnight parking para sa pansamantalang pagparada para makatiyak na hindi mapipinsala ng malakas na bagyo.
Kabilang dito ang SM Supermalls, Robinsons Malls; Vista Malls; Filinvest Malls. Libre ring inaalok ang mga parking areas ng Festival Mall (Alabang), Fora Mall (Tagaytay), Main Square (Bacoor), Westgate (Alabang), Bloc 10 (Alabang), South Station (Alabang).
Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na tumugon sa parking guidelines ng mga mall at maging updated sa mga anunsyo ng malls.
- Latest

















