^

Police Metro

Biyahe ng ilang barko, kanselado dahil sa Super Typhoon Inday

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinansela na ang ­ilang biyahe ng mga barko sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng  Super Typhoon Inday.

Ito ang ipinahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) partikular sa mga barko ng 2Go na biyahe ng Batangas; Super shuttle ferry na may biyaheng Bohol-Camiguin vice versa.

Sa Eastern Visayas, pinagbawalan muna ng maglayag ang mga barko ng San isidro Shipping Lines, Montenegro Shipping Lines at VS Grand ferries.

Kabilang din ang sa mga barko na kinansela ang biyahe dahil sa bagyong Inday sa Masbate, Mindoro, Palawan, Panay/Guimaras, Surigao Zamboanga, at Zamboanga Del Norte.

Sinimulan na ng PCG ang pagpapalawak sa kaalaman ng mga residente sa mga dapat gawin upang maging ligtas sa pananalasa ng bagyo at pinaalalahanan din ang mga mangingisda at tripulante sa pagkansela ng biyahe sa karagatan upang maitaguyod ang kanilang kaligtasan.

Ayon kay PCG ­Acting Spokesperson, Comman­der Michael John Encina, binuhay muli ng PCG ang kanilang preparedness at response measures sa ilalim ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) campaign.

Kabilang aniya sa mga isinasagawang pag­hahanda ay ang pagpapasilidad ng maagang pag­lilikas sa mga residente na nasa high-risk coastal areas, paglalabas ng sea travel advisories, pagbabantay sa mga pantalan at iba pang Coast Guard facilities, at prepositioning ng deployable response groups para sa agarang pag-dispatch sa mga ito.

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with