^

PM Sports

Gilas Pilipinas mapapalaban sa second window ng FIBA WCQ

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapalaban ang Gilas Pilipinas sa second round ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers na magsisimula sa Agosto 27 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nasa Group E ang Gilas Pilipinas (2-4) kasama ang powerhouse Australia (6-0) at New Zealand (4-2).

Makakasama ng tatlo ang Asian champion Iran, Jordan at Syria.

Parehong may 5-1 rekord ang Iran at Jordan sa pagtatapos ng third window ng qualifiers habang may 2-4 rekord naman ang Syria.

Carryover ang mga rekord ng bawat team sa second round.

Ang apat na mangu­ngunang teams sa bawat grupo ang papasok sa FIBA World Cup proper.

Kaya naman magiging pukpukan ang laban para sa pagkakataong masilayan sa aksyon ang Gilas sa FIBA World Cup na idaraos sa Doha, Qatar sa 2027.

Lalarga ang second round sa Agosto 27 at 31 na gaganapin sa MOA Arena.

Unang makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa Agosto 27 kasunod ang Iran sa Agosto 31.

Maglalaro rin sa MOA Arena sa Agosto 27 ang Syria at Australia, at ang Iran at New Zealand.

Sa Agosto 31, lalarga rin ang bakbakan ng Australia at Jordan, at ng New Zealand at Syria.

Matapos ang first window ng second round, gaganapin naman ang second window sa Nobyembre 27 kung saan magtatagpo ang Gilas at Syria gayundin ang Iran at Australia, at ang Jordan at New Zealand.

Sa Nobyembre 30 naman ang laban ng Iran at Gilas Pilipinas gayundin ang duwelo ng Syria at New Zealand at ng Jordan at Australia.

Idaraos ang final window sa Pebrero 25 at 28 para magkaalaman na kung sino ang papasok sa FIBA World Cup.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with