Kiray, nag-tour sa panganganakan!

Nakakatuwa naman si Kiray Celis na sobrang excited na sa panganganak sa first baby nila ng mister na si Stephan Estopia.
Sa sobrang excitement nga niya, nag-room tour pa siya sa Makati Medical Center para mamili sa mga kwartong gusto niyang pag-stay-an sa pangananak.
Ipinost niya sa kanyang Instagram ang tatlong kwartong pwede niyang pagpilian pati na rin ang mga delivery room.
In fairness, educational ang tour ni Kiray para sa first-time moms. ‘Yun nga lang, pangmayaman ang rooms na ipinakita niya na parang hotel suites at baka hindi ma-afford ng mga kapos sa budget.
Tuwang-tuwa ang aktres sa mga sosyal na kwarto na may sarili pang kitchen at living room.
Ipinakita rin niya ang tatlong delivery rooms ng ospital na ang isa ay para sa normal delivery, ang isa ay para sa water birth at ang isa naman ay para sa CS o caesarian section delivery.
Afraid si Kiray sa water birth delivery at aniya, hindi raw ito para sa kanya. Mukhang hindi rin daw niya kakayanin ang CS pero siyempre, hindi pa rin daw niya masabi kung wala talagang ibang choice.
Kaya ang dasal ng aktres/entrepreneur ay maging normal lang ang kanyang panganganak.
Hindi na sinabi pa ni Kiray kung kailan ang due niya pero mukhang malapit-lapit na ito.
BB, walang komunikasyon kay Carmina!
Inamin ni BB Gandanghari na matagal na silang walang communication ng ex-wife niyang si Carmina Villarroel.
Sa guesting ng kapatid ni Sen. Robin Padilla sa Fast Talk with Boy Abunda ay naitanong sa kanya ng King of Talk kung nagkakausap pa ba sila ni Mina.
“We are not in touch...” sagot niya.
Follow-up na tanong ni Kuya Boy ay kung ikino-consider ba niya si Carmina na isang friend.
“Maybe not as a friend kasi we haven’t really talked but she always has that special place in my heart,” sey ni BB.
Naikuwento rin niya na bago siya umalis para manirahan sa US ay okay sila ni Carmina at magkapitbahay pa sila.
“We saw each other in the gym and that was the time when we were able to exchange hellos,” tsika niya.
Inamin din ni BB na excited nga raw siyang makitang muli ang ex-wife. “I’ve always looked forward na makita siya ulit,” sey niya.
- Latest
























