^

PSN Showbiz

Bf ni Kathryn, nakatingin sa mga camera ‘pag nasa shopingan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bf ni Kathryn, nakatingin sa mga camera ‘pag nasa shopingan
James at Kathryn
STAR / File

Someone... trailer, inilabas

Hindi na masyadong affected ang fans ni Kathryn Bernardo sa relasyon niya sa pulitikong si Mark Alcala na mayor ng Lucena.

Nung minsan ay spotted sila sa isang clothing store na nagsa-shopping.

In all fairness sa mayor na karelasyon ng aktres, parang aware siya na may camera na nakatutok at may moment na tumitingin siya.

Na wala naman talagang dapat isyu because single naman sila pareho.

Ba’t kaya ‘di na lang sila maging comfortable ‘pag lumalabas para mas maganda ang mga

photo nilang nagva-viral hindi ‘yung naka-mask si Kathryn at parang natatakot at umiiwas sa kawawang fans na nagtitiyagang sundan sila.

Samantala, nasilayan na ng fans ang first full look sa inaabangang primetime series nina Kathryn at James Reid kasama si Maja Salvador na Someone, Someday matapos ilabas ng ABS-CBN ang official trailer kahapon Miyerkules (Hulyo 8).

Mag-uumpisang mapanood ang modern, feel-good, at progressive series sa Hulyo 27 ng 8:45 p.m. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube habang una itong mapapanood sa Netflix sa Hulyo 24 at sa iWant sa Hulyo 25, at magiging available rin ito sa TFC.

Ipinakita sa trailer ang kwento ni Billy (Kathryn) isang babaeng nagpupursigi para sa kanyang pamilya, bilang boss ng sarili niyang kumpanya, at may matinding malasakit din para sa ikabubuti ng mga kababaihan.

Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na Love List, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalung-lalo na para sa kapatid niyang si Oliver (Migz Casimiro) na mag-isa niyang pinalaki.

Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na noong pumasok sa buhay niya si Abby (Maja), isang misteryosong babae na tila may kahina-hinalang motibo.

Ang Someone, Someday ay mula sa direksyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy de Leon at Daniela Stranner.

JAMES REID

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with