^

PSN Showbiz

Bela, biglaan ang pagkatsugi sa Blood...!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela, biglaan ang pagkatsugi sa Blood...!
Bela Padilla
STAR / File

Nauna pa kay Robin

Samu’t saring papuri ang nakuha ni Bela Padilla sa magaling na pagganap niya bilang matapang at mapaghiganting agent na nagngangalang Lara Angeles, na namaalam na sa hit primetime series ng ABS-CBN na Blood vs Duty sa pagpasok ng serye sa hu­ling tatlong linggo nito.

Ikinagulat nga ng mga manonood ang pagkamatay ni Lara, na minahal dahil sa katapangan at husay nito na buong-pusong ginampanan ni Bela.

Maraming viewers sa YouTube ang nagsabing “ang galing” ng pagkakaganap ni Bela, habang ang ilan ay sinabing “heartbreaking” ang eksena ng kanyang pagkamatay.

Samantala, pagkatapos ng biglaang pagkamatay ni Lara, na­gharap na sina General Carillo (Bodjie Pascua) at Ahmad Mustapha, na ginagampanan ni Robin Padilla, upang pag-usapan ang matitin­ding krimen na gumigimbala sa bansa.

Magkaroon kaya ng hustisya ang pagkamatay ni Lara? Matulungan kaya nina Jalil (Gerald Anderson) at Marcus (Richard Gutierrez) si Mustapha na nanganganib ngayon ang buhay?

Si Robin ang sinasabing matitigok sa serye, pero nauna pa pala si Bela.

At maraming isyu tungkol dito.

BELA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with