2 high school student hinarang, pinagsasaksak ng mga siga

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante sa high school ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng isang grupo ng mga sigang kabataan sa Diamond Village, Damosa sa lungsod ng Davao nitong Lunes ng hapon.
Sa ulat ng Davao City Police, nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon nang mapagtripan ng mga sigang kabataan ang mga dumaraang biktima.
Ayon sa imbestigasyon, habang naglalakad ang mga biktima pauwi na sa kanilang tahanan nang bigla silang harangin ng mga suspek pinagsasaksak nang walang kalaban-laban dakong alas-4 ng hapon.
Isa sa mga biktima ay nagtamo ng tatlong saksak sa likurang bahagi ng katawan habang isa pa ay isang saksak naman ang tinamo.
Agad namang isinugod ng mga nagrespondeng rescue team ng lokal na pamahalaan sa Southern Philippine Medical Center ang mga biktima na inoobserbahan na ang kalagayan.
Sa isinagawang follow-up operation, natukoy at nadakip ng pulisya ang mga suspect habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Narekober din ang patalim na ginamit nila sa pananaksak sa dalawang estudyante.
- Latest























