Giannis opisyal nang isang Heat player

MIAMI — Opisyal nang isusuot ni Giannis Antetokounmpo ang uniporme ng Heat kasabay ng pagtatapos ng kanyang 13-year career sa Milwaukee Bucks.
Naglabas si Antetokounmpo ng isang video sa kanyang social media accounts tampok ang isang sit-down interview kay longtime Bucks play-by-play announcer Jim Paschke.
Nagpaalam si Antetokounmpo sa Milwaukee at nagpahayag ng kanyang pagmamahal sa lungsod.
“I hope bringing a trophy to this city meant something to them because it meant so much to me,” sabi ng superstar forward sa video. “I want you to hear it from my mouth: The city of Milwaukee will always be in my heart. This is my home.”
Kasama ni Antetokounmpo na maglalaro sa Miami si Bobby Portis.
Ibinigay ng Heat sa Bucks sina Tyler Herro, Kel’el Ware, Jaime Jaquez Jr., Kasparas Jaku?ionis, ang No. 13 pick sa 2026 NBA draft (ginamit ng Milwaukee para makuha si forward Nate Ament) at dalawang dagdag na future first-round picks, isang pick swap at isang second-round pick.
Nakuha rin ng Miami si free agent Tim Hardaway, Jr.
Samantala, ikinukunsidera ni free agent guard DeMar DeRozan na dumiretso sa Heat matapos bitawan ng Sacramento Kings.
- Latest





















