^

Police Metro

2 HS student, pinagtripang saksakin ng mga kabataan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang dalawang estudyante sa high school makaraang hara­ngin at pagsasaksakin sila ng isang grupo ng mga sigang kabataan sa Diamond Village, Damosa sa Davao City, noong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Davao City Police, bago nangyari ang krimen, alas-4:00 ng hapon ay kasalukuyang naglala­kad ang mga biktima pauwi sa kanilang tahanan galing sa paaralan nang bigla na lamang­ silang harangin ng grupo ng mga kabataan at walang kaabug-abog na pinagsasaksak.

Isa sa mga biktima ay nagtamo ng tatlong saksak sa likurang bahagi ng katawan habang ang isa pa ay isang saksak ang tinamo.

Isinugod ang dalawang­ biktima ng nagrespondeng­ rescue team ng lokal na pamahalaan sa Southern Philippine Medical Center para malapatan ng pangunahing lunas.

Sa isinagawang follow-up operations ay naaresto ang mga suspect at narekober ang patalim na ginamit.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with