^

Police Metro

Mag-asawang senior natagpuang patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsisimula nang maagnas ang mga katawan ng isang mag-asawang matanda na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na natagpuan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Palacapao, Quezon, Bukidnon.

Ang biktimang lalaki ay may edad na 66 habang ang kanyang misis ay nasa 63-anyos na kapwa may mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang krimen may dalawang araw na ang nakalilipas matapos na magtungo ang pamangkin ng mag-asawang matanda sa tahanan ng mga ito sa nasabing lugar.

Nagtataka ang ­pama­ngkin kung bakit hindi lumalabas ng kanilang tahanan ang mag-asawa kaya pinuntahan nito ang bahay at napansin na bukas ang pintuan.

Sa pagpasok sa loob ng bahay ay nabulaga nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa na nagsisimula nang maagnas.

Pinawi ng pulisya ang anggulo ng pagnanakaw sa kaso dahilan walang nawawala sa ka­gamitan ng mag-asawa.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with