^

PM Sports

Filipinas nakatutok sa Asian Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang makasaysayang pagrereyna sa nakaraang 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand noong nakaraang taon ay tututok naman ang Philippine women’s national football team sa parating na 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.

Hangad ng Filipinas na makasipa ng medalya sa nasabing quadrennial event na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Sumampa ang mga Pinay booters sa Round of 16 ng 2023 edition sa Hangzhou, China sa kanilang debut sa Asian Games.

Nagmula ang mga Pinay booters sa pagsikwat sa gold medal sa 2025 SEA Games sa Bangkok kung saan nila tinalo ang bigating Vietnam sa isang penalty shootout matapos ang isang scoreless draw.

Sinabi ni coach Mark Torcaso na gagamitin din nila ang kampanya sa Asian Games sa pagha­handa para sa mas mala­king FIFA Women’s World Cup na nakatakda sa Hun­yo ng 2027 sa Brazil.

“The main objective in this Asian Games is o­bviously to go as far as we can, but it’s also for us as coaches and the country to test some players at a tough level to see if they’ll be ready for the World Cup,” ani Australian mentor.

Maghahanap din si Torcaso ng mga Pinay players na naglalaro sa ibang bansa.

Matapos ang Asian Games ay magtutungo ang tropa sa South America sa Oktubre para sumalang sa mga friendly laban sa mga Asian at Oceania teams.

Sa Pebrero ng 2027 ay lalaro ang Filipinas sa Pinatar Cup sa Spain kasunod ang pagsali sa 2028 Olympic Qualifying Tournament sa Abril.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with