Allen, nilinaw ang pagtigil sa panliligaw kay Sofia!

Naba-bash si Allen Ansay dahil sa TikTok post nito kung saan, sinabing hindi na niya itinuloy ang panliligaw sa ka-love team na si Sofia Pablo.
“Gusto ko lang pong linawin na okay po kami ni Sofia. Wala pong iniwan, nagpaasa, o nang bale-wala sa kahit kanino. Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong hindi naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia noong March pa po. Maayos po naming nirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksyon ng aming mga priorities lalo napo sa trabaho. Pinili lang po namin na hindi magsalita tungkol dito dahil personal naman po ito.
“Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento o false narratives tungkol kay Sofia. Wala po siyang ginawang masama. Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa kani-kanya naming journey. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta.”
Ang linaw ng sinabi ni Allen na maayos pa rin ang relasyon nila ni Sofia bilang magkaibigan na lang, pero bina-bash pa rin ang aktor. Pasalamat daw si Allen kay Sofia dahil kung hindi sa aktres, hindi siya makikilala at hindi mabibigyan ng projects. Si Sofia raw ang nagdala sa love team nilang dalawa.
May fans naman na natuwa sa balitang ito, ibig daw sabihin, mapapanood na nila si Allen na iba ang kapareha at ganu’n din si Sofia. Nakakasawa raw na lagi na lang silang dalawa ang pinagpapareha.
Ruru, todo pasasalamat
Ang pasasalamat ni Ruru Madrid sa blessings after blessings sa dumating sa kanya this year. To think na kalahati pa lang ng taon at marami pang darating.
“Looking back, I can’t help but say, thank You, Lord.
The first half of the year has blessed me with opportunities I never take for granted-from filming Los Salvajes Bravos in Spain, to wrapping Hand of God, and now continuing ther journey with Hari ng Tondo. Hindi pa man napapanood ng lahat ang mga proyektong ito, pakiramdam ko ang dami ko nang natutunan.
“Isa sa pinakamalaking lesson na baon ko this year is that you don’t always have to see the results to know you’re on the right path.
“Just keep showing up.
“Stay disciplined. Stay consistent. Keep your head down and focus on the work. Kahit hindi mo pa nakikita yung bunga ng lahat ng pagod at sakripisyo, keep going.
“I’ve realizes that the process changes you long before the result ever do.
“There were days when all I could do was trust. Trust the process. Trust the people around me. And most importantly trust God’s timing,” bahagi ng mahabang post ni Ruru.
May sinabi pa itong, “As we begin the second half of the year, wala namang magbabago.
“I’ll keep showing up.
“I’ll keep working.
“I’ll keep learining.
“I’ll keep choosing kindness.
“And I’ll keep leaving the rest in God’s hands.
“Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta.
“We’re just getting started.”
Idagdag pa sa blessings ni Ruru ang pagkakaroon ng supportive girlfriend na si Bianca Umali. Wala na nga siyang mahihiling pa sa kanyang buhay sa ngayon.
Tennis legend, may mensahe kay Alex Eala!
May message si Billie Jean King kay Alex Eala at sa mga nakalimot, si Billie Jean King ay isang tennis legend.
“What a treat to spend some time with Alex Eala, fresh off her historic win at Wimbledon today.
“She is the first Filipino to reach the Round of 16. Such an inspiration for kids in the Philippines and all over the world.
“Keep going for it, Alex!”
Samantala, pinuri ni President Bongbong Marcos si Alex sa panalo nito laban kay defending champion Iga Swiatek at ang pagpasok ni Alex sa Round 16 ng Wimbledon.
“Biruin mo meron na tayong player, babae pa, na nanalo ng third round sa Wimbledon... She’s really world-class na talaga. She’s terrific,” pahayag ni Pres. Marcos.
Nakakatuwa pa na parang kinilig si Pres. Marcos nang banggitin ang panalo ni Alex. Tanong nito sa media kung napanood ang laban ni Alex kay Swiatek.
- Latest

























