^

Bansa

12-anyos edad ng criminal liability kailangang aralin ng mga eksperto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
12-anyos edad ng criminal liability kailangang aralin ng mga eksperto
Ikinalungkot din ni Marcos ang mga potensyal na epekto ng social media, tulad ng sekswalisasyon ng mga kabataan at ang pagiging desensitized sa pagpatay at karahasan sa mga menor-de-edad sa pamamagitan ng marahas na mga laro.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng isang maingat na pag-aaral sa mga panawagan na ibaba ang edad ng criminal responsibi­lity sa 12 kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong nakaraang buwan.

“‘Yung ating mga child psychologists, ‘yung mga surveys na ginagawa about the mental health of children. Kailangang pag-aralang mabuti ‘yan,” ani Marcos sa mga mamamahayag sa Vancouver.

Matatandaan na tatlo ang namatay sa pamamaril sa San Jose National High School at 20 iba pa ang nasugatan kaya binuhay ang mga panawagan na i-regulate ang social media at magkaroon ng batas laban sa recruitment sa ‘nihilistic violent extremism’.

Ang kasalukuyang minimum age ng criminal responsibility ay 15, kung saan ang mga nakababatang nagkasala ay inilalagay sa mga intervention programs at counseling.

Binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangang isaalang-alang ang mga opinyon ng mga eksperto kaugnay sa mga epekto ng pagkakalantad sa social media sa pag-uugali ng mga bata.

Kung ibababa ang edad ng pananagutan para sa mga kahalintulad na mga krimen, nangangahulugan aniya na ang mga bata ay nagbago na kumpara sa mga nagdaang panahon.

Ikinalungkot din ni Marcos ang mga potensyal na epekto ng social media, tulad ng sekswalisasyon ng mga kabataan at ang pagiging desensitized sa pagpatay at karahasan sa mga menor-de-edad sa pamamagitan ng marahas na mga laro.

Aniya, dapat isaalang-alang ang opinyon ng mga eksperto sa sikolohiya ng mga bata at epekto ng social media sa mga bata, at ang kanilang mga aksyon na ginagawa kapag hindi sila naglalaro ng mararahas na mga laro online.

CRIMINAL

LIABILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with