Ayton ite-trade ng Lakers sa Wizards
WASHINGTON — Kukunin ng Wizards si veteran center Deandre Ayton mula sa Los Angeles Lakers sa pamamagitan ng trade.
Pumayag na ang LA na ibigay si Ayton sa Washington kapalit ni guard Jaden Hardy at dalawang second-round draft picks sa 2031 at 2032.
Naglaro si Ayton, ang No. 1 pick sa 2018 NBA Draft, para sa Phoenix Suns sa unang limang taon bago dinala sa Portland Trail Blazers kung saan siya naglaro ng dalawang taon.
Sa kanyang pagsusuot ng uniporme ng Lakers sa nakaraang season ay nagtala ang seven-foot center ng mga averages na 12.5 points at 8.0 rebounds sa 72 games.
Makakasama ni Ayton sa Wizards sina Trae Young at Anthony Davis at si 2026 NBA Draft top pick AJ Dybantsa.
Aktibo ngayon ang Los Angeles sa pagpapalakas ng kanilang koponan matapos ang pag-alis ni superstar LeBron James.
Ibinigay din ng Lakers ang dalawang first-round picks at dalawang first-round pick swaps bilang bahagi ng isang sign-and-trade kung saan nila nakuha si big man Walker Kessler mula sa Utah Jazz.
Samantala, 10 teams ang nagkumpirma ng kanilang interes na makuha ang serbisyo ni James.
Ito ang inihayag ni Rich Paul, ang agent ng 41-anyos na living legend, sa episode ng kanyang “Game Over” podcast kasama si Max Kellerman.
Ang mga ito ay ang Philadelphia 76ers, Cleveland Cavaliers, Denver Nuggets, Minnesota Timberwolves, Miami Heat, New York Knicks, Golden State Warriors, Dallas Mavericks, Boston Celtics at San Antonio Spurs.
- Latest























