Sarangani niyugyog ng M5.3 na lindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Balut Island sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang lindol bandang alas-10:21 ng umaga na ang sentro nito ay naitala sa 38 kilometro ng timog kanluran ng Balut island.
Umaabot naman sa 10 kilometro ang lalim nang naganap na lindol na ang ugat ay tectonic. Bunga nito, nakapagtala ng instrumental intensities na Intensity III sa Malapatan, Sarangani, Intensity II sa Kiamba at Malungon sa Sarangani; Tupi, T’Boli sa South Cotabato at Intensity I sa Maitum at Maasim (Sarangani) at General Santos City.
Wala naman naitalang pinsala at walang inaasahang aftershock sa naganap na lindol.
- Latest

















