Trial ni VP Duterte, pamumunuan ni Gatchalian

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na siya ang mamumuno sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte taliwas sa mga naunang ulat na nagsasabing pinag-iisipan ng mayorya na italaga si Sen. Chiz Escudero sa naturang posisyon.
Sa panayam sa radio, binanggit ni Gatchalian ang impeachment rules ng Senado na nagsasabing ang Senate President ang mamumuno sa paglilitis.
Sinabi ni Sen. Ping Lacson noong Hunyo na plano ng mayorya na ihalal si Escudero bilang presiding officer, alinsunod sa inamyendahang tuntunin ng Senado na nagpapahin dulot sa pagtatalaga o pagkahalal ng ibang senador bukod sa Senate President.
Sinabi rin ni Gatchalian? na bukod sa paghahanda ng mismong bulwagan ng Senado, pinag-aaralan na rin niya ang mga teknikalidad ng pamumuno sa Senate impeachment court, pati na rin ang merito ng kaso.
Ayon kay Gatchalian, inaasahang dadalo sa pagsisimula ng impeachment trial sa Lunes ang lahat ng nahalal na senador, maliban kina Sen. Ronald Dela Rosa, na nagtatago pa rin, at suspendidong si Sen. Jinggoy Estrada.
Sa kasalukuyan, 22 lamang na senador ang inaasahang magsisilbing senator-judges sa impeachment proceedings.
Kaugnay nito, sinabi ni Gatchalian na hindi pa tatalakayin sa unang araw ng impeachment proceedings ang usapin tungkol sa kinakailangang? bilang ng boto para sa conviction.
Ayon kay Gatchalian, ang 92-araw na impeachment proceedings ay maaaring tumagal ng pito hanggang walong buwan.
Simula sa susunod na linggo, isasagawa ang mga pagdinig tuwing Lunes hanggang Miyerkules, alas-2:00 ng hapon.
Magbabago ang iskedyul at magiging Martes hanggang Huwebes matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.
- Latest


















