^

Police Metro

Grade 8 student kritikal sa saksak ng 5 kabataan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grade 8 student ang malubhang nasugatan matapos pagsasaksakin sa likod, leeg, at collarbone o balagat ng limang kabataan sa labas ng Las Pi?s National High School, Las Piñas City, Huwebes ng gabi.

Ang biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Las Pi?s District Hospital ay kinilalang si alyas “JEMG”, 13-anyos na kinailangan umanong operahan at lagyan ng
tubo (intubation).

Naaresto naman ang mga suspek na sina “JMCC”, 17, ALS student; “NBR”, 15, out-of-school youth (OSY); “CJDT”, 1, 16, ng Don Galo National High School, 16; at “RMAT”, 15, OSY., habang tinutugis pa ang isang “JMR, 16, OSY.

Sa imbestigasyon, alas-7:15 ng gabi ay kasama ng biktima ang kapatid na si “JMG”,
15-anyos; “AE”, 15, at “NCB”, 17, pawang estudyante ng Las Pi?s National High School sa uwian ng klase at nagpasiya na bibili ng chocolate juice nang madaanan ang mga suspek.

Nilapitan, kinursunada, at binato ng ilang piraso ng hollow blocks habang umiiwas ang grupo ng biktima.

Hinabol sila at ang apat na suspek ay pawang armado ng patalim ay sinaksak ang biktima habang nakatalikod, at may sumaksak din sa leeg at collarbone, habang isa pang kasama ng biktima ang nakaiwas sa saksak ni JMCC.

Nagsitakas ang mga suspek at ang biktima ay inuwi ng bahay bago isinugod sa pagamutan.

Naaresto ang mga suspek sa isang follow-up operation na nakatakdang ipagharap ng reklamong attempted murder.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with