^

Police Metro

PNP sa magulang: Tumawag sa 911

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Kung may pagbabago sa asal ng anak…

MANILA, Philippines — Agad tumawag sa 911 o humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung mapapansin ang hindi pangkaraniwang pagbabago sa pag-uugali ng mga anak.

Ito ang payo ng Philippine National Police (PNP) sa mga magulang upang maagapan ang posibleng pagkakasangkot ng mga ito sa mga online extremist group.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalagang mabantayan ng mga magulang ang online activities ng kanilang mga anak dahil maaaring magbunga ng negatibong epekto ang labis na pagkakalantad sa online violence at iba pang mapaminsalang nilalaman.

Aniya, bukas ang 911 upang magbigay ng agarang interbensyon sa mga kasong may kaugnayan sa online threats.

Ang pahayag ng PNP ay kasunod ng ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros na ang umano’y groomer ng mga menor de edad na sangkot sa pamamaril sa Tacloban City ay hinihinalang may koneksiyon sa isang transnational online group na umano’y nag-uudyok ng karahasan at ekstremismo sa mga kabataan.

Sinabi ng PNP na patuloy nilang sinisiyasat ang posibleng ugnayan ng naturang grupo sa pagrerekrut ng mga menor de edad.

Pinakilos na rin ang Anti-Cyber Group upang ma-trace ang mga posibleng pinanggagaling ng mararahas na laro.

Aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga dayuhang law enforcement agencies upang matukoy at mapigil ang operasyon ng mga grupong nagsasamantala sa mga kabataan sa online platform.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with