Diesel, posibleng pumalo sa P3/L
MANILA, Philippines — Posible umanong tumaas ng hanggang P3 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Ayon sa isang industry source, ito ay base sa unang apat na trading days ng Mean of Platts Singapore at foreign exchange movements.
Batay sa pagtaya, maaaring magkaroon ng P1 hanggang P3 kada litro na pagtaas ang presyo ng diesel sa Hulyo 7.
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay maaaring bumaba o tumaas ng hanggang P1 kada litro.
Karaniwan nang iniaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang pinal na price adjustment ng mga produktong petrolyo sa bansa tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest





















