‘Di papatalo sa ‘kabet’
Dear Dr. Love,
Nagpalit ako ng profile sa Facebook, ‘yung photo na magkasama kami ng asawa ko. In a way ay statement ko ito para ipangalandakan sa kabet ng mister ko na hindi ako magpapatalo at handang ipaglaban ang asawa ko para sa kapakanan ng aming pamilya.
Ang masaklap lang, ayaw umamin ng asawa ko sa mgakalokohan niya. Pinagpipilitan niya na wala siyang kasalanan sa tsismis ng babae niya.
Masakit man, gusto kong malaman ang totoo dahil marami ang nagsusumbong sa akin. Pero hindi ko lang mahuli ang mister ko.
Tama ba na ipaglaban ko pa rin ang aking asawa kahit nawalan na ako ng respeto?
Mhaja
Dear Mhaja,
Kung para sa asawa at pamilya ay worth it na ipaglaban ito, kahit nawala na ang respeto mo sa kanya.
Masakit mang tanggapin, ganyan ang mga lalaki...kahit nahuli na ay hindi pa rin aamin.
Pero huwag kang sumuko para alam ng mister mo na hindi ka basta papatalo sa kahit kanino mang babae.
Dr. Love
- Latest




















