Pilipinas isa nang upper-middle-income — Marcos Jr.
MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang isang Upper-Middle-Income Country (UMIC).
Ayon sa Pangulo, patunay ito na naging epektibo ang mga programang pang-ekonomiya ng pamahalaan sa nakalipas na apat na taon.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na inaasahang magpapalakas ito ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan, na maaaring humikayat ng mas maraming pamumuhunan, makalikha ng karagdagang trabaho, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Una nang inihayag ng World Bank na umabot sa USD 4,850 ang gross national income (GNI) per capita ng Pilipinas, na mas mataas sa kinakailangang USD 4,636 para mapasama sa mga upper-middle-income country.
Ayon kay Pangulong Marcos, matapos ang halos apat na dekada bilang lower-middle-income country, ipinapakita ng bagong katayuang ito ng Pilipinas na lumalakas ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga hamon sa buong mundo.
Dahil dito, kumpiyansa ang Pangulo na mas tataas ang tiwala ng mga mamumuhunan sa Pilipinas, na magdadala ng mas maraming negosyo, trabaho, at oportunidad para sa mga Pilipino.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dapat maramdaman ng bawat pamilya sa pamamagitan ng mas magandang kabuhayan at mas maraming pagkakataon sa buhay.
Nangako rin siya na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagtatrabaho hanggang maranasan ng lahat ng Pilipino ang mga benepisyo ng pag-unlad ng bansa.
- Latest

















