^

PSN Showbiz

Direk Joey, ‘di makalimutan si Goma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Direk Joey, ‘di makalimutan si Goma
Jose Javier Reyes

Isa si Jose Javier Reyes sa mga pinakasikat na direktor at manunulat sa show business.

Sa loob ng halos apat na dekada ay talagang marami nang mga artista ang nakatrabaho ng beteranong direktor sa pelikula. Para kay Direk Joey para malaki umano ang pagkakaiba ng pagiging ‘artist’ at ‘celebrity.’ “Iba ang isang artist sa celebrity. ‘Yung celebrity, may tenure ‘yan eh. May term of expiration ‘yan eh. ‘Coz you can’t be on top all the time. ‘Yung talent ang importante para tumagal ka. Pero importante rin na marunong kang makisama. Aaminin ko, may mga tinitiis akong artista na hirap akong idirek, pero ang sarap kasama sa set dahil binibigyan nila ng buhay at kahulugan ‘yung aking buhay sa set. Nandoon pa rin sila,” bungad sa amin ni Direk Joey sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa direktor at manunulat ay mayroon talagang ilang mga artista na hindi maganda ang ugali pagdating sa trabaho. Nagpapaka-propesyonal na lamang daw si Direk Joey upang matapos ang mga proyekto. “Ako, tinatapos ko ‘yung prod (production) eh. Pero isusumpa ko, hindi ko na siya makakatrabaho hanggang the end of time. I mean, may commitment, nandoon na siya. Chances are, ‘yung producer ang naglagay sa kanya do’n. Tatapusin ko talaga ‘yung commitment ko, pero next time na makita ko siya, naku! Hanggang apat na reincarnation ayaw ko siyang makita,” masayang pahayag niya. 

Nagkaroon na rin ng mga pagkakataon na nakakaaway ni Direk Joey ang artista sa set ng pelikulang ginagawa. Hinding-hindi raw makalilimutan ng direktor ang naging hidwaan nila ng isang sikat na aktor noon. “Richard Gomez, once upon a time hindi kami nagkaintindihan. Medyo binato niya ako ng hollow blocks at sinapak. Konting sapak lang naman pero after a while, tumanda na kami together saka naging magkaibigan na kami. That’s really water under the bridge at pinagtatawanan na lang namin. Siya ‘yung nakaaway ko na naging kaibigan in the long run. Gano’n talaga ang buhay eh. Ngayon kapag nagkikita kami, wala na ‘yon. When we remember, nagtatawanan kami,” kwento ng direktor.

Nagbigay ng opinyon ang batikang direktor at manunulat tungkol sa pagkakaiba nina Nora Aunor at Vilma Santos. Matatandaang namayagpag ng ilang dekada ang karera ng dalawang pinakasikat na aktres sa kanilang henerasyon noon. “Parang Yin and Yang ‘yan eh. There’s two sides of the same coin. Iba ang kalidad ni Vilma, iba ang kalidad ni Ate Guy. There are things that’s sparkling sa career ni Ate Guy in the same manner that there are things sparkling kay Vilma. There is Bona (pelikulang pinagbidahan ni Nora), there is Sister Stella L (pelikulang pinagbidahan ni Vilma). There is Tatlong Taong Walang Diyos, there is Relasyon. In other words, there’s no way to compare apples and oranges eh,” makahulugang paliwanag ni Direk Joey.

Kung muling mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng pelikula ay mayroong isang baguhang aktor na gustong makatrabaho si Direk Joey. “JM Ibarra, napanood ko siya sa Child No. 82 sa Cinemalaya, saka sa Almost Us na dinirek ni Dan Villegas. Kung may gagawin akong pelikula, sana mabigyan ako ng pagkakataon na maidirek si JM Ibarra,” pagbabahagi niya. — Reports from JCC

 

 

JOSE JAVIER REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with