^

Probinsiya

Bahay niratrat: Lalaki utas, 2 tattoo artist sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang dalawa pa ang sugatan makaraang paulanan ng bala ng hindi pa na­kilalang mga armadong kalalakihan ang isang bahay sa bayan ng Argao sa Cebu nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Argao Police, ang nasawing biktima ay isang 36-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang tattoo artist na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, nasa sala ang biktima at nagpapa-tattoo nang biglang sumulpot sa lugar ang isang kotse at isang motorsiklo sakay ang mga salarin.

Pagtapat sa tahanan ng mga biktima sa Brgy. Capioan, Argao ay bigla na lamang pinagbabaril ang nasabing bahay. Ang 36-anyos na lalaki ay dead-on-the-spot sugatan ang dalawang tattoo artist habang isa pa ang masuwerteng nakaligtas matapos na magtatakbo na dumaan sa likurang pintuan ng naturang bahay.

CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with