^

Pang Movies

Junior actress, kupal na kupal pa rin sa shooting!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wala pa ring kupas ang isang junior actress na habang nagkakaedad eh wala pa ring pagbabago sa work attitude!

Kasama ang aktres sa isang all star cast movie na ipinalabas kamakailan.  

Dala-dala pa rin niya ang bad attitude sa trabaho na parang siya lang ang artista!

Kasi naman kapag si aktres ang kukunan, waiting in vain ang kasama niya sa eksena pati ang staff!

Hindi lang isang beses na ginawa ng aktres na paghintayin ang mga cast at staff sa set ng ilang oras, huh!

Eh nagtiis na lang ang lahat dahil malaki rin ang partisipasyon niya sa pelikula!

Kim, nilait ng mga fans ni Ryzza Mae

Kung makabintang ‘tong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim Chui para umi­ngay, parang napakabuti ng idolo nila!

Wow! As if starlet si Ryzza kaya kailangan niya si Kim! Sikat din siya mula nung bata!

Eh sa kuwento nga ni Ogie Diaz sa karanasan kay Kim, lumabas ang itinatagong kamalditahan, huh!

Eh ang mali ni Kim ginawa niyang joke si Ryzza na kasama sa katapat nilang noontime show! Puwede namang kasama niya sa show ang gawan ng biro.

Pero lumabas pa siya sa noontime show nila! Hayun, nag-boomerang sa kanya ang ginawa niya! Puwede namang isang simpleng sorry ang gawin niya at tapos ang kuwento! Pero hindi niya ginawa ‘yun!

Naku lalayo pa kayo eh sariling kapatid nga nagawang idemanda ni Kim, huh!

Kung mara­ming fans si Kim, marami ring fans si Ryzza na handa ring magtanggol!

Heart, maligaya na ulit ang ‘bato’

Hardest wake up call para kay Heart Evangelista ang pagkaka-ospital niya!

Hindi man sinabi ang sakit, basta ang post ni Heart ay, “My kidneys are happy!”

Nakatanggap naman ng flowers at dasal si Heart sa mabilisang paggaling mula sa fans.

Naku workaholic si Heart at maging ang ina niya eh nasaksihan ang sipag ng anak nung sumama siya sa fashion festivals na pinuntahan sa abroad!

Mabuti na lang nga at hosting ng The People Have Spoken ang regular show ni Heart at off season muna ang kanyang Heart World.

But still, need din niyang ipahinga ang sarili dahil maraming siyang commitments bilang global fashion endorser / icon!

 Get well, Heart! Maraming nagmamahal sa ‘yo!

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with