^

Bansa

13-anyos pababa pagbabawalan sa social media

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
13-anyos pababa pagbabawalan sa social media
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipagbabawal ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 13 taong gulang, habang papatawan ng multang hanggang P50 milyon ang mga platform na lalabag.

Ito’y sakaling mapagtibay ang House Bill No. 9965 o panukalang Children’s Social Media Safety Act na isinusulong nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Floor Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na naglalayong magpatupad ng komprehensibong regulasyon sa paggamit ng social media ng mga menor-de-edad. Sa ilalim ng panukala, hindi maaaring gumawa, magpanatili, o gumamit ng anumang social media account ang mga batang 12 taong gulang pababa.

Samantala, ang mga nasa edad 13 hanggang wala pang 18 ay papayagang gumamit ng social media kung may pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga, at kailangang regular na kumpirmahin ng mga platform ang edad at pahintulot. Kapag binawi ang pahintulot, awtomatikong lilimitahan o isususpinde ang account ng bata.

Bukod sa age restriction, mahigpit ding ipagbabawal ang mga algorithm na nagtutulak ng mapaminsalang content, pati na ang mapanlinlang na disenyo ng platform at AI-generated content na maaaring magpanggap na tunay na impormasyon.

Sa usapin ng parusa, papatawan ng multang P5M-P10M ang mga platform na mabibigong kumilos laban sa mga ipinagbabawal na account, habang ang mas mabibigat na paglabag ay may katumbas na P20 milyon hanggang P50 milyon. Kapag paulit-ulit at seryoso ang paglabag, maaari pang ipagbawal ang operasyon ng platform sa Pilipinas, alinsunod sa due process.

Base sa pag-aaral, ang sobra-sobrang exposure at pagkakalantad sa paggamit ng social media ng mga bata ay nagdudulot ng matinding depresyon, kawalan ng tiwala sa sarili, kakulangan ng tulog, cyber bullying, exposure sa mga mapanganib na content na maari ng mga itong gayahin.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with