92 trial days aprub sa Senate impeachment court
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Senado bilang Impeachment Court ang 92 araw na paglilitis sa impeachment ni Vice Sara Duterte na iminungkahi ng prosekusyon at defense team at 17 sa mga saksi ay parehong gagamitin ng prosekusyon at depensa.
Ito ay nakapaloob sa isang 15-pahinang trial order na inilabas noong Lunes at nilagdaan ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Ang impeachment trial ay magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 6 sa ganap na alas-2:00 ng hapon, Martes at hanggang Hulyo 27.
Pagkatapos nito, magsisimula ang paglilitis ng alas-3:00 ng hapon tuwing Martes, Miyerkules, at Huwebes hanggang sa matapos ito.
Si VP Duterte ay nahaharap sa mga sumusunod na Articles of Impeachment:Artikulo I: umano’y maling paggamit ng hanggang P612.5 milyon na kumpidensyal na pondong inilaan sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) mula sa huling bahagi ng 2022 hanggang 2023; Article II: umano’y pagkakatron ng hindi maipaliwanag na kayamanan na hindi tugma sa kanyang sahod bilang isang public official at diumano’y hindi pagdedeklara ng kanyang assets;
Article III: umano’y panunuhol at katiwalian sa pamamagitan ng mga regalong pera at mga lihim na pagbabayad sa mga opisyal ng DepEd noong siya ay nanunungkulan bilang pinuno ng edukasyon; at Artikulo IV: pampublikong pagsisiwalat ng umano’y pagkontrata ng isang hitman upang patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
- Latest



















