Eala vs Zarazua sa Wimbledon 1st round

MANILA, Philippines — Target ni Alex Eala na mainit na simulan ang ratsada nito sa pagharap kay Mexican Renata Zarazua sa opening round ng Wimbledon Championships ngayong araw sa Court 12 ng All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.
Masisilayan ang duwelo nina Eala at Zarazua sa alas-8:50 ng gabi (oras sa Maynila).
Ibubuhos ng 21-anyos Pinay netter ang buong puwersa nito upang masiguro ang pag-entrra sa second round kung saan posible nitong makasagupa si da-ting Grand Slam champion Serena Williams.
Nakatakdang harapin ni Williams si Maya Joint ng Australia sa hiwalay na first-round match.
“A possible matchup with Serena is incredible. And just to be in the same draw as her, you know, competing at the same time. It’s amazing to see her back,” ani Eala.
Ngunit sesentro muna ang atensiyon ni Eala kay Zarazua.
Hangad ni Eala na makaresbak sa Mexican netter na tumalo sa kanya (6-3, 4-6, 3-6) sa quarterfinals ng Cary Tennis Classic na ginanap sa North Carolina noong 2024.
Ibang usapan na ang Wimbledon kumpara noong una sila nagtagpo ni Zarazua.
Nasa 19-anyos pa lamang si Eala noon at nasa No. 147 sa WTA rankings.
Sa kasalukuyan, nasa No. 32 na si Eala na mas mataas kumpara kay Zarazua na nasa No. 75.
Bukod pa rito ang magandang inilaro ni Eala sa Berlin Open kung saan nakaabot ito sa semis matapos talunin ang mga biga-ting players na sina world No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan at world No. 8 Elina Svitolina ng Ukraine.
Naglaro rin si Eala sa Bad Homburg Open kung saan natalo ito sa first round at nakaabot sa quarterfinals sa doubles kasama si dating Grand Slam winner Venus Williams.
Bahagyang kabisado ni Eala ang galawan ni Zarazua dahil naging magkapares na ang dalawa noong nakaraang taon sa French Open doubles.
- Latest



















