Bahay nina Luis at Jessy, muntik parentahan!

Tapos na ang bagong bahay na ipinagawa nina Luis Manzano and Jessy Mendiola kaya naman sobrang excited and happy ang mag-asawa sa bagong milestone na ito ng kanilang buhay.
Sa latest vlog ni Jessy na kinunan na sa kanilang bagong bahay, ikinuwento ng mag-asawa ang kanilang naging journey sa pagpapagawa ng kanilang dream house na tinawag nilang Casa Manzano. “Nakaka-excite dahil ang tagal naming inantay ‘to, pinaghirapan ‘to. . .” tila maiiyak na sabi ni Luis.
Sey naman ni Jessy, “oo, parang 4 years in the making ang Casa Manzano. Until now, ginagawa pa rin siya nang paunti-unti, like may mga smaller details na lang, mga add ng furnitures, tapos may mga inaayos lang na bagay-bagay.”
Marami raw silang challenges na hinarap sa pagpapagawa ng bahay at natatawang biro ni Lucky, unang-una na raw ang pera.
Segunda naman ni Jessy, “at least, out of the way na, ‘yung pera talaga.”
Dagdag pa ng aktres, “saka grabe talaga. Alam n’yo, parang akala n’yo, ‘yung bulto ng gastos mo, ‘yung parang ‘yung structure ba or ‘yung foundation ng bahay, pero sa totoo lang din, meron pa rin ‘yang hanggang sa furniture, hanggang sa mga gamit ninyo sa loob ng bahay.”
Noong una raw ay gagawin daw sana nila itong rental house, pero last minute ay nag-decide sila na tirhan na lang ito kaya nagbago na naman sila ng plano.
Pero sulit na sulit naman daw ang kanilang paghihintay dahil sobrang happy raw sila sa kinalabasan ng bahay.
Ayon kay Jessy, pinaka-favorite spot niya sa new house nila ay ang atrium skylight na nasa gitna ng kanilang bahay. Si Luis naman ay pinaka-gusto raw niya ang sala nila at ang kanyang gym.
Nangako naman ang mag-asawa na magkakaroon din sila ng house tour vlog kapag tapos na tapos na talaga ang bahay.
Kat at Kris, may relasyon na ulit
“It’s a yes!” ang sagot ni Katrina Halili kay Kris Lawrence.
Nag-post ng video ang aktres sa kanyang Instagram account kung saan ay may hawak siyang cake at nakasaad dito ang mga katagang “It’s a yes!”
Maririnig din sa video ang awiting “I’d Still Say Yes” ng Klymaxx.
Sa caption ay sinabi ni Katrina na hindi minamadali ang puso sa pagdedesisyon dahil pang-habangbuhay ang pinag-uusapan dito. “Sa mundong napakabilis ang takbo, hindi natin kailangang makisabay sa pagmamadali. Ang pagkilala sa isang tao ay hindi dapat minamadali, kundi binibigyan ng panahon, pag-unawa, at halaga. Sapagkat ang mga desisyong na may kinalaman sa puso ay hindi para sa panandalian lamang., ito’y para sa panghabambuhay,” pahayag niya.
Matatandaang bago umalis patungong US si Kris ay gumawa siya ng letter for Katrina at humihingi siya ng permiso na ligawan ito.
Sa latest Facebook video na ipinost ni Kris ay masaya niyang inanunsyo na opisyal na siyang manliligaw kay Katrina.
Kilig na kilig naman ang mga fans at sobrang happy sila para sa dalawa.
- Latest




















