^

PSN Showbiz

Heart, nahihilo at matindi pa rin ang sakit ng ulo!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, nahihilo at matindi pa rin ang sakit ng ulo!
Heart Evangelista.
STAR/ File

Na-hospital dahil sa sobrang pagod

Hindi na kinaya ng katawang lupa ni Heart Evangelista ang pagod.

Isinugod siya sa hospital matapos umanong makaranas ng matinding pagod (overfatigue), ayon sa kanyang assistant niyang si Resty Rosell last Saturday.

Pero as of this writing ay ok na raw si Heart at nakauwi na sa bahay pero nakakaramdam pa raw ito ng pagkahilo at pananakit ng ulo.

Nag-post nga si Resty ng mga larawan ni Heart na nasa hospital bed at may mga nakakabit na medical gadget habang may ilang medical staff. Nakita rin sa tabi niya ang ina na si Cecilia Ongpauco at kapatid na si Camille.

Ayon kay Resty, pinilit ni Heart ang kanyang sarili hanggang sa puntong hindi na niya kayang magpatuloy sa pagtatrabaho bago pumayag na ma-admit sa ospital.

“Sa sobrang hardworking ng batang ito, kailangan talaga umabot pa siya sa point na hindi na niya kaya before magpaconfine,” sabi niya sa caption.

Dagdag niya: “Health is wealth, Ganda, sana naisip mo ‘yan, rest-rest din kapag may time.

“Tapos itong mga lintek na bashers na ‘to kung husgahan ka grabe, hindi nila alam kung gaano ka kasipag para kumita lang ng pera,” sabi pa ng ever faithful niyang assistant na si Resty na ilang dekada nang kasa-kasama ni Heart.

Ang pangatlong Instagram Story ni Resty ay nagising na raw ito mula sa sedation. “Road to full recovery and she’s awake na from sedation… Nakakalakad na siya now ng straight pero need pa rin ng support.”

Last Friday pa raw isinugod sa hospital si Heart.

Pero ok naman daw lahat ng laboratory test ng fashion icon ganundin ang MRI ayon sa isang tinanungan ko.

Bago raw sana mag-taping ng The People Have Spoken ay sumama na ang pakiramdam ni Heart kaya dinala na sa hospital.

Nagkasunud-sunod ang work ni Heart. Nag-attend siya ng Max Mara event sa China, nag-Singapore para sa Fendi, mga endorsement shoot at taping. Nagde-design pa siya ng mga jewelry kaya siguro talagang bumigay na ang katawan niya.

Kamakailan lang ay binanggit ni Heart na magiging priority niya ang kanyang kapakanan matapos ang pagkahimatay na naranasan niya sa Milan Fashion Week. Naikuwento niyang nawalan siya ng malay dahil sa rami ng dinadaluhang fashion event.

Pero naka-schedule raw dumalo si Heart sa Paris Fashion Week. Nag-umpisa na ang Men’s Fashion Week na hindi na raw nadaluhan ni Heart. (SVA)

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with