^

PM Sports

Hudson isasalang ng FiberXers

Russell Cadayona - Pang-masa
Hudson isasalang ng FiberXers
Ipaparada ng Fiber­Xers si balik-import Jalen Hudson para makabawi sa season-ending confe­rence matapos malasin sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup na pinagha­rian ni Justin Brownlee at ng Ginebra Gin Kings.
STAR / File

MANILA, Philippines — Imbes na kumuha ng bagong mukha ay mas minabuti ng Converge na tapikin ang dating import ng nagdedepensang TNT Tropang 5G para sa para­ting na PBA Season 50 Governors’ Cup.

Ipaparada ng Fiber­Xers si balik-import Jalen Hudson para makabawi sa season-ending confe­rence matapos malasin sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup na pinagha­rian ni Justin Brownlee at ng Ginebra Gin Kings.

Kumamada si Hudson ng mga averages na 33.8 points, 9.3 rebounds at 4.2 assists para sa magandang 5-1 record ng TNT sa Season 48 PBA Governors’ Cup.

Ngunit nagdesisyon ang Tropang 5G na pauwiin si Hudson at ipalit si dating NBA player Rondae Hollis-Jefferson.

Tinulungan ni Hollis-Jefferson ang TNT na talunin si Brownlee at ang Ginebra para agawin ang korona ng nasabing komperensya.

Tampok sa paglalaro ni Hudson sa Tropang 5G ang kanyang pinasabog na 56 points sa 128-122 panalo sa FiberXers.

Ang Titan Ultra Giant Risers na lamang ang wala pang nakukuhang import.

Bukod kina Brownlee at Hudson, ang iba pang lalaro sa torneo ay sina balik-imports George King (San Miguel),  Aaron Fuller (Rain or Shine) at DeQuan Jones (NLEX).

Ang mga bagong muk­ha ay sina Jordon Var­nado ng Meralco, KJ Buffen ng Magnolia, BJ Johnson ng Phoenix, Kentrell Barkley ng Blackwater, Justin Strings ng Terrafirma at De’Vondre Perry ng guest team Macau.

Samantala, magbabalik ang 36-anyos na si center Justin Chua sa Fuel Masters matapos ang pag-alis nina Prince Caperal at Matthew Daves.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with