^

PM Sports

Venus Williams hanga kay Alex Eala

Chris Co - Pang-masa
Venus Williams hanga kay Alex Eala
Venus Williams (left) and Alex Eala
WTA via Facebook

MANILA, Philippines — Nais ni dating Grand Slam champion Venus Williams na muling makasama si Alex Eala sa isang doubles event matapos ang kanilang tambalan sa Bad Homburg Open sa Germany.

Masaya si Williams na makapares ang Pinay netter kung saan umabot ang dalawa sa quarterfinals ng Germany tournament.

Subalit nabigo ang dalawa na umusad nang lumasap ng 3-6, 2-6 desisyon kina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain.

Pinuri ni Williams ang magandang ipinamalas ni Eala sa loob at labas ng court.

“She’s very competitive on the court. I think we’re a great team,” ani Williams.

Ipinaliwanag ni Williams na mas maganda pa sana ang kanilang laban kung nabigyan ang dalawa na makapag-ensayo ng mahaba-habang panahon.

Sinabi ni Williams na hindi sila nakapag-training ng magkasama ni Eala bago sumalang sa laban.

“We never got the chance to practice before we played the doubles,” ani Williams.

Gayumpaman, masaya ito na makasama si Eala sa doubles.

Sa katunayan, tinukoy pa ni Williams si Eala na ‘best partner’ sa kanyang social media account.

Umaasa si Williams na hindi ito ang huling pagtatambal nila ni Eala.

Hangad ni Williams na muli nitong makasama ang Pinay netter sa mga susunod pang torneo.

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ni Eala para sa Wimbledon Championships na magsisimula ngayong Lunes sa London, England.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with