Ina, 6-anyos anak nilamon ng dagat sa Biliran
MANILA, Philippines — Nilamon ng dagat ang isang ginang at paslit na anak nitong lalaki makaraang aksidenteng tangayin ng malakas na alon habang nangunguha ng shellfish o lamang dagat sa baybayin ng karagatan ng Brgy. Balaquid, Cabucgayan, Biliran noong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang ginang na si Elsa Esconejos, 33-anyos at anak nitong 6-anyos na nakilala namang si Jordan.
Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente alas-8:30 ng gabi sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, biglang humangin ng malakas at tumilapon ang mag-ina sa dagat bunsod upang kapwa tangayin nang malakas na alon.
Nabatid na ang mag-ina ay kapwa hindi marunong lumangoy bunsod upang malunod sa nasabing insidente .Agad namang ini-report ng MDRRMO ang pangyayari sa Philippine Coast Guard-Biliran na mabilis na nagsagawa ng search and rescue operation kung saan magkakasunod na narekober ang katawan ng mag-ina dakong alas-8:45 ng gabi at bandang alas-9 ng gabi.
- Latest




















