Kampo ni Duterte pumalag sa hiling ng ICC Prosecution
MANILA, Philippines — Kinondena ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC) na suriin ang ilang mga bagay na nakuha mula sa kanyang pagkakaaresto.
Kasabay nito hiniling din ng abogado ni Duterte na si Peter Hynes, sa ICC Trial Chamber III na ibasura ang ilang kahilingan ng prosecution para sa karagdagang imbestigasyon. Tinawag din ito ng depensa na “fishing expedition” at huli na.
“Such requests are usually made within days of the arrival of the suspect in custody , or at the earliest opportunity. The prosecution had notice of the [REDACTED] in the Registry’s possession on 14 March 2025,” saad ng depensa.
Hindi rin aniya kailangan ng prosekusyon na magsumite ng mas detalyadong imbentaryo ng mga nakuhang gamit dahil walang sapat na batayan ang haka-haka ng prosekusyon na may ilang uri ng mga materyal na hindi isinama ng Registry sa opisyal na imbentaryo.
- Latest


















