^

Probinsiya

3 notoryus ‘holdaper’ sugatan sa NLEX shootout

Omar Padilla, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 notoryus ‘holdaper’ sugatan sa NLEX shootout
Kinilala ni PCol. Jay Baybayan, OIC Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang tatlong suspek na sina Jonathan Perez, 33 anyos, may-asawa ng Buluboc, Manggahan, Montalban, Rizal; Jerome Nabuson, 36-anyos ng Montalban, Rizal, at Reymark Padilla, 32, may-asawa, Grab driver ng Brgy. Kapre, Novaliches, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlo umanong miyembro ng notoryus na robbery-hold-up group na responsable sa serye ng panghoholdap at nakawan sa Central Luzon at Region 4-A ang sugatan matapos na makaengkwentro ng mga pulis sa “running gun battle” sa Southbound ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PCol. Jay Baybayan, OIC Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang tatlong suspek na sina Jonathan Perez, 33 anyos, may-asawa ng  Buluboc, Manggahan, Montalban, Rizal; Jerome Nabuson, 36-anyos ng Montalban, Rizal, at Reymark Padilla, 32, may-asawa, Grab driver ng Brgy. Kapre, Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng flash alarm ang Bulacan PPO na may mga armadong kalalakihan na sakay ng kulay gray na Toyota Hi-Ace van na may plakang NBO-4342 na hinahabol ng mga magkakasanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU)-Tarlac, PIU-Pampanga, Criminal Investigation and Dtection Group (CIDG)-Regional Field Unit (RFU) 3 at Regional Special Operations Gron (RSOG).

Kaagad namang naglatag ng blocking forces sa kahabaan ng southbound lane ng NLEX Bocaue, pagkalagpas lamang ng toll gate entry sa Brgy. Turo  kung saan dadaan ang hinahabol na sasakyan ng mga suspek.

Gayunman, pagsapit ng mga suspek sa nasabing lugar, sa halip na huminto nang parahin ng mga awtoridad, agad umano nilang pinaputukan ang mga pulis sanhi ng palitan ng putok. Bunsod nito, bumangga sa center lane ng NLEX ang sasakyan ng mga suspek at doon na sila nakorner at nasakote. Dahil sa tinamong mga tama ng bala ng mga suspek, agad silang isinugod sa Joni Villanueva General Hospital.

Matapos iproseso ang sasakyan ng mga suspek, natagpuan ang mga baril, isang granada,7-sachet ng shabu, at marijuana. (

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with