^

Pang Movies

Kris, sangkot sa intriga ni Kim kay ­ Ryzza!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, sangkot sa intriga ni Kim kay ­ Ryzza!
Kris

Isinasali si Kris Aquino ng netizens sa isyu nina Kim Chiu at Ryzza Mae Dizon na nag-ugat sa reaction ni Kim sa isang episode ng It’s Showtime kung saan, pangalan ni Ryzza Mae ang nabanggit ni Kim.

Sa episode, sinabihan si Kim ng guest na si Brent Manalo na tumalikod dahil naroon daw si Lotus Feet. Nang humarap si Kim, nakita ang isang babae na suot ang White Lady costume at sabi agad ni Kim, “Ryzza Mae” na ikinatawa ng audience.

Hindi raw magandang biro ang ginawa ni Kim at alam ng marami na si Lotus Feet ay karakter sa horror movie na pinagbidahan ni Kris. Sari-sari ang comment ng netizens. May kumampi kay Kim dahil nag-joke lang daw ito at may kumampi kay Ryzza Mae.

May nag-comment ng “Kim Chiu, Ryzza Mae is naturally beautiful by face, heart and mind. She is a fine young lady who made herself up as early as 7 years old without mocking and putting others down. Batas sa classroom ang decency. Sana alam mo yan.”

Kaya nasali si Kris dahil may nagtanong kung sino kina Kim at Ryzza ang kakampihan nito. Si Kim itinuturing ni Kris na eldest child niya at si Ryzza naman ay ang kanyang “future daughter-in-law” dahil inili-link sa anak na si Bimby Aquino.

O, ‘di ba, minsan pa lang lumabas sa telebisyon si Kris sa Eat Bulaga, sunud-sunod na ang isyu sa kanya. Bawat sabihin, pinag-uusapan at nag-trending pa nga ang pagbisita niya sa EB.

Samantala, wala pang reaksyon si Kim sa bagong isyu sa kanya tungkol kay Ryzza Mae. Bale ba, umiinit na naman ang tapatan ng EB at IS dahil sa bini-build up na love team nina Ryzza Mae at Bimby.

Gian, may wish kay Vice

Fan ni Sarah Geronimo itong si Gian Bernardino, isa sa lead vocalist ng Cup of Joe na papasukin na ang acting.

Isa si Sarah sa mga gusto niyang makasama sa mga gagawing pelikula. Si Sarah din ang ginagaya ni Gian sa dance moves whenever he is performing. Kapag nasa stage na raw si Sarah, ibang tao na ito at ‘yun ang kanyang ginagaya.

In an earlier interview sa COJ, nabanggit ng banda na isa sa gusto nilang maka-collaborate si Sarah, pero mukhang malabong mangyari ‘yun sa ngayon, baka mauna pang makasama ni Gian sa movie si Sarah.

Aside from Sarah, gusto ring makatrabaho ni Gian sina Anne Curtis at Vice Ganda. Sa mga ka-edad niya, sina Fyang Smith at JM Ibarra ang binanggit that he wants to work with at iba pang Viva Artists Agency artists.

Tutuparin naman siguro ng Viva Films ang dream na ito ni Gian nang pumirma ng movie contract sa Viva Artists Agency o VAA. In-assure nito ang Joewah’s (tawag sa fandom ng COJ) na hindi niya iiwan ang banda, kaya nothing to worry ang fans.

Lumabas sa interbyu na mahilig sa showbiz si Gian, series ng ABS-CBN ang pinapanood nito when he was in Qatar. Nag-audition pa nga siya sa Pinoy Big Brother, kaya lang he was in Qatar that time with his family at hindi puwede sa physical interview.

May sense of humor si Gian, ang dami niyang pinakawalang punchlines sa mediacon at bagay sa kanya ang comedy at romcom. 

Dingdong, tinapatan si Coco!

Simula June 29, hindi na lang sa GMA 7 mapapanood ang The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Mapapanood na rin ang action series sa GTV Heart of Asia Channel at I Heart Movies. Pati na rin sa Kapuso Stream at GMA Play.

Also, mapapanood din sa Heart of Asia Channel at I Heart Movies ang Task Force Firewall. Delayed telecast naman ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Naniniwala ang fans na ginawa ito ng GMA,dahil ang Sigabo ni Coco Martin ay hindi lang sa Kapamilya Channel airing. Napapanood din sa TV5, AllTV at may streaming pa.

 

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with