Pamumuno ni Nartatez sinubok ng trahedya
MANILA, Philippines — Nangako si PNP Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na sa kabila ng mga kamakailang trahedya na bunga ng kapabayaan, may aasahang hustisya para sa mga biktima at reporma para mapigilan ang mga katulad na insidente.
Binanggit ni Nartatez na malaking hamon sa pagpapatupad ng batas ang naganap na Tacloban tragedy na ikinasawi ng tatlong estudyante at ilang sugatan ang nananatili pa sa ospital, at hindi na maulit sa pamamagitan ng mas mahigpit na mga hakbang at reporma.
Nais niya na hindi lamang trahedya maalala ang pangyayari, kungdi magsilbing maghalagang yugto ng pagkatuto, at pag-iingat sa kaligtasan na maging gabay.
Matatandaang sa pagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi, agad na iniutos ni Nartatez sa Police Regional Office 8 ang masusing imbestigasyon.
Nakipag-ugnayan din sa Department of Education, mga lokal na pamahalaan, at mga opisyal ng paaralan upang higit pang mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.
Tiniyak niya rin na konkretong resulta at pananagutin ang pulis na may-ari ng service firearm na ginamit sa krimen.
- Latest

















