Huwag umasa sa maling akala
Dear Dr. Love,
In-love na ako sa crush ko, pero in-love naman siya sa iba. Ang siste ay sa best friend ko pa siya nagkagusto.
Ang masaklap pa nito ay ginagawa niya pa akong tulay para lang magkalapit sila ng best friend ko.
Mabuti na lang at hindi ko sinabi sa friend ko ang sobrang pagkagusto ko sa crush ko. Umaasa ako na hindi siya sasagutin ng best friend ko, pero hindi ko maalis na masaktan tuwing nag-uusap sila.
Paano kung magkatuluyan sila, paano na ako?
Lana
Dear Lana,
Huwag kang nang umasa dahil ang totoo ay wala kang puwang sa puso ng crush mo. Isipin mo na lang, mababaling ba sa iba ang kanyang atensiyon kung sa presensiya mo palang ay sapat na?
Huwag kang tamang hinala na “baka” o “sana” dahil madalas, mali ang mga ganyang pala-palagay. Kapag hinayaan mo ang sarili mo sa ganyang mindset, tiyak na patuloy ka lang masasaktan.
Bata ka pa at maraming pagkakataon na makakilala ng taong hindi lang magkakagusto sa’yo, kundi deserve ang feelings mo. Kaya huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong nagmamahal ng iba.
Ang ganyang sirkumtansiya ay nalampasan na ng marami, kaya imposible na hindi mo magagawa. Pigilin ang iyong damdamin, sa halip ay maghanap ka ng ibang tao na ikaw mismo ang pipiliin.
Lumabas ka at maki-mingle sa iba pang tao sa iyong paligid. Huwag mong hayaang masaktan ka dahil sa maling pag-asa na hindi ka naman hinihintay, baka nga hindi ka naman talaga bahagi ng kanyang isip.
Kaya ikaw naman ‘yung maghanap ng “iba” na mamahalin ka nang buo, kaysa sa umaasa sa maling akala.
Dr. Love
- Latest


















