^

Police Metro

15-anyos shooter sa kulungan na tatanda

Angie dela Cruz - Pang-masa
15-anyos shooter sa kulungan na tatanda
The entrance gate of San Jose National High School in Tacloban City where the deadly shooting transpired on June 22, 2026.
PNA photo by Sarwell Meniano

MANILA, Philippines — Kung mapapatuna­yan ng hukuman na nagkasala ang 15-anyos na shooter ng kasong multiple murder na naisampa ng pulisya ay maaari umanong sa kulungan na ito abutin ng kanyang senior citizen.

Ito ang pananaw ni Atty. Patricia Claire Oco ng Juvenile Justice and Welfare Council, isang attached agency ng DSWD dahil ang murder ay may katapat na parusang 40 taon na kulong o reclusion perpetua para sa mga adult.

Subalit, dahil 15-anyos ang isa sa suspect at kung napatunayang nagkasala ito sa kasong murder dahil sa pagplano sa krimen ay maaaring maibaba ang sentensiya nito sa reclusion temporal na may katapat na 20 taong pagkakulong.

Dahil aniya sa 3 counts of murder ang ikinaso rito dahil tatlo ang namatay na estud­yante ay maaaring 60 taon ang kabuuang bilang ng parusa rito.

“Akala kase ng mga minors pagnagkaroon ng kaso ay hindi sila mapaparusahan dahil bata pa sila, mali ‘yun. Sa batas maaa­ring maparusahan ng batas ang 15 years old kapag ­matindi at karumal-dumal ang ginawang kasalanan, pero dahil bata siya, bababa ang sentensiya sa kanya” sabi ni Atty Oco.

Ang dalawang suspek ay nasa DSWD Rehabilitation Center sa Tacloban sa ngayon dahil ang Bahay Pagasa na kanlungan ng mga batang nagkakakaso sa Tacloban ay puno na.

Bukod dito ay aniyang managot sa kasong sibil o kriminal ang magulang at guardian ng 2 suspect oras na mapatunayan ng korte na mayroon silang naging pagkukulang at nagpabaya sa panganga­laga sa mga suspek kaya’t nagawa ang krimen.

DSWD

SHOOTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with