^

Police Metro

Tatay na wanted sa pag-rape sa anak, naaresto

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 51-anyos na ama na wanted sa panghahalay sa kanyang anak na babae simula pa noong 6-anyos ito hanggang 18-anyos sa kanilang tahanan sa Trece Martires City, Cavite at naaresto sa Davao International Airport nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Col. Ariel Red, Cavite police director, na isang team buhat sa Maragondon police operatives ang bumiyahe patu­ngong sa Davao City para isilbi ang hawak nitong warrant of arrest na inisyu ng lokal na korte, noong ­Pebrero 10, 2026 para sa panggagahasa laban sa suspek na si alyas Ricky, residente ng Barangay Gredu, Nortebo City, Davao na nakalista na most wanted person ng Calabarzon. Ang kaso ay isinampa ng kanyang 19-anyos na babae mula sa Trece Martires City, Cavite.

Batay sa rekord ng pulisya na ang pang-aabuso ay nagsimula noong ang biktima ay 6-anyos pa lamang at nagpatuloy hanggang umabot sa edad 18 kaya’t isinampa ang kaso sa Office of the Provincial Prosecutor noong Agosto 2025 hanggang sa inilabas ang warrant of arrest ang inisyu ng Trece Martires Regional Trial Court, Branch 5 na walang inirekomendang piyansa.

Nang malaman ang pinagtataguan ng suspek sa Panabo City mula sa impormante at humingi ng tulong sa Davao City police para i-verify ang lokasyon ng suspek.

Gumamit ang pulisya ng isang babaeng Facebook account para makipag-ugnayan sa suspek at sa loob ng halos isang buwan ay naakit ang suspek at pumayag na makipagkita sa Davao International Airport sa Brgy. Sasa, Davao City at dito na ito dinakip ng mga otoridad.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with