^

Police Metro

70-anyos lola, tinodas ng tandem

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang 70-anyos na lola nang ito ay malapitang barilin sa ulo habang nakatayo sa bangketa ng angkas sa motorsiklo naganap nitong Miyerkules ng tanghali sa national highway, Barangay Puerta Real, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na si Imelda Tabil, residente ng Barangay Pussuac sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na nakatayo ang biktima sa bangketa nang dumating ang isang motorsiklo.

Bumaba rito ang angkas at malapitang binaril ang biktima sa ulo na duguang bumulagta at agad na tumakas ang mga suspek.

Ang biktima ay dinala sa Ilocos Sur District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.  Narekober ng mga pulis ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with