^

Police Metro

Parak kulong sa panunutok ng baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang kalaboso matapos itong ireklamo nang panunutok ng baril ng isang sibilyan sa Brgy. Cabantian, Davao City, ka­makailan.

Sa ulat ng Davao City Police, ang nasakoteng pulis ay isang 41-anyos na nakatalaga sa Regional Personnel Security Unit -Davao (RPSU-11) at nahaharap sa kasong grave threat.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Lunes sa Brgy. Cabantian na kung saan ang nasabing pulis ay nasa impluwensiya umano ng alak.

Inihayag  ni Davao City Police Office (PPO) Director P/Col Peter Madria na hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng paglabag sa batas at kawalang disiplina ng mga miyembro ng kanilang hanay.

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang nasabing parak.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with