Sofia, hinangaan sa patama sa malalaking tao

Mas maraming pumupuri ngayon kay Sofia Andres na mas nagpaparamdam ng malasakit sa mga nagaganap sa paligid particular na nung nakiramay sa pamilya ng pumanaw na basketbolistang si Rene Baterbonia.
Asan daw ang ibang mga celeb. Not necessarily sa nalunod na estudyante ng Ateneo kundi sa ibang mga kaganapan sa ating bayan.
Like si Nadine Lustre or si Coco Martin.
Anyway, sa mensahe ni Sofia, may pinatatamaan talaga siya na mga malalaking tao, na maliit ang pagtingin sa mga ordinaryong tao.
Bagama’t sa bandang huli sinabi niyang ‘may Diyos na nakatingin’ ang tumatak sa mga netizen.
“Mahirap mangarap sa sariling bayan.
“Mahirap magsumikap nang tahimik habang may mga taong handang husgahan ka bago ka pa man makapagsalita. Mahirap magtiyaga kapag tila mas nauuna ang may kapangyarihan kaysa sa prinsipyo.
“Mahirap maniwala kapag paulit-ulit mong nakikita na maraming lumalaban nang patas, ngunit tila hindi nabibigyan ng pagkakataon.
“Maraming mangungutya. Maraming magdidiskrimina. Maraming susukat ng halaga ng tao base sa estado ng buhay at koneksyon.
“Pero hindi iyon ang tunay na sukatan ng pagkatao. Sa dulo ng lahat, ang pinakamahalaga pa rin ay kung paano tayo magmahal, sumuporta, maging tapat, at manatiling mabuti kahit mahirap.
“Minsan nakakalimot tayo. Nakakalimot tayong lahat ay pansamantala lamang. Nakakalimot tayo sa tunay na dahilan kung bakit tayo narito. Hindi para lamang yumaman, manalo, o maging makapangyarihan kundi para magmahal ng kapwa at mag-iwan ng kabutihan sa mundong ito. At kung may isang bagay tayong hindi dapat kalimutan…
“Huwag tayong makalimot.
“Siya ay nanonood.
“Nakikita Niya ang bawat sakripisyo, bawat luha, bawat kabutihang ginagawa nang walang nakakakita. Nakikita rin niya ang mga bagay na akala ng iba ay natatago.
“Kaya kung pagod ka na, magpatuloy ka. Kung nadidismaya ka, maniwala ka pa rin. At kung pakiramdam mo ay hindi napapansin ang kabutihan mo, tandaan mong may Diyos na nakatingin at may hustisyang hindi kailanman naliligaw. Darating din ang panahon ng mga taong hindi sumuko.
“At kapag dumating iyon, mas magiging makabuluhan ang tagumpay dahil alam mong hindi mo kailanman isinuko ang iyong puso, prinsipyo, at pananampalataya,” buong mensahe nito.
Super agree ang lahat. Wish nilang sana ay marami ang tulad ni Sofia na may pakialam sa nagaganap sa ating bayan.
- Latest





















