^

Probinsiya

Total ban sa paggamit ng cellphone ipinatupad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Total ban sa paggamit ng cellphone ipinatupad
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang mga bayolenteng insidente, nagpatupad na ng total ban sa paggamit ng cellphone ang bayan ng Dumanjug sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa isang television interview at website ng pamahalaang bayan ng Dumanjug, sinabi ni Mayor Gungun Gica na pinulong na niya ang lahat ng mga pinuno ng mga eskuwelahan partikular na ang mga prinsipal sa kaniyang bagong mandato na sinumang estudyanteng mahuhuli ng nagce-cellphone sa oras ng klase ay kukumpiskahin ito.

Ang hakbang ay kasunod naman ng malagim na insidente sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte sa pamamaril ng dalawang estudyanteng menor-de-edad na ikinasawi ng tatlong estudyante habang nasa 20 pa ang nasugatan.

Ayon sa alkalde, sinumang mahuhuling guma­gamit o may dalang cellphone ay papatawan ng kaukulang kaparusahan alinsunod sa alituntunin ng paaralan.

Samantalang maging ang mga Internet cafés ay mahigpit na imo-monitor kung saan ang mga Grade 10 students pababa ay papayagan lamang dito hanggang alas-8 ng umaga. Ang iba pang mga menor-de-edad ay hanggang alas-10 lang ng gabi papayagan sa mga Internet cafes at kailangang tiyakin na proyekto o may kinalaman sa mga aktibidades sa eskuwela ang ginagawa ng mga ito.

Ipinagbabawal din ang paninigarilyo sa mga estudyante dahilan nakakasama ito sa kalusugan. Hiniling din ng alkalde ang kooperasyon nang lahat ng mga estudyante, magulang, guardians, at ng komunidad para pairalin ang disiplina, kaligtasan, at kalusugan ng mga kabataang mag-aaral.

CELLPHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with