^

PSN Showbiz

Luha, bumaha sa libing ni Rene

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luha, bumaha sa libing ni Rene

Bumaha ng luha kahapon ang libu-libong nagsama-sama para kay Rene Baterbonia na inihatid na sa huling hantu­ngan.

Kitang-kita sa mga video na kumalat kahapon ang epekto ng nalunod na estudyanteng atleta sa Aurora, hindi lang sa kanyang mga kababayan sa Agusan kundi maging sa buong bansa.

Sana nga ay makamit ng kanyang pamilya ang katarungan sa maagang pagkamatay niya dahil sa pagkalunod ilang araw lang mula nang umalis siya ng kanyang probinsiya para magsanay at maglaro sa UAAP para sa Ateneo.

Nakita naman bago ilibing si Rene si Sen. Robin Padilla kasama si BB Gandanghari.

Sa post ni Sen. Robin, aniya ay sinabi nitong “ang naganap sa pamilya Baterbonia ay salamin ng bawat buhay at pa­ngarap ng mga Pilipino lalo ang nasa tawid dagat...”

Totoo at ‘yun talaga ang nagpaluha sa maraming Pilipino kung saan nangarap ang isang tulad niya para sa kanyang pamilya pero naglaho.

RENE BATERBONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with