^

Probinsiya

Biyudang negosyante sa Batangas, itinumba

Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang babaeng negosyante ng karne ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem sa Barangay San Roque, Sto. Tomas City, Batangas, kahapon ng madaling-araw.

Ang bangkay ng biktima na si Evelyn Gonzales, 54, isang widow businesswoman at may kinakasama, residente sa Barangay San ­Pedro, Sto. Tomas City, ay natagpuang umaagos ang dugo sa ulo habang nakahandusay sa lupa sa kanyang tindahan bandang alas-4:20 ng madaling-araw.

Ayon sa salaysay ng kanyang live-in partner sa mga imbestigator, dalawang hindi pa nakikilalang armadong sa­larin na sakay ng isang motorsiklo ang huminto sa harap ng kanilang tindahan ng karne.

Bumaba sa motorsiklo ang isa sa mga suspek at bumunot ng hindi natukoy na baril at pinaputukan ng apat na beses ang biktima nang malapitan bago mabilis na nagsitakas patungo sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas City.

Matapos na makitang napuruhan ang target na lady trader ay tumakas ang mga salarin patungo sa Barangay Miguel, Sto. Tomas City, Batangas.

Inilarawan ng pulisya ang isang salarin na nakasuot ng itim na T-shirt, naka-shorts at pulang helmet habang ang backrider nito sa motorsiklo ay nakasuot ng berdeng T-shirt na pantalon na may itim na helmet.

Bineberipika ng pulisya ang isang ulat na ang babaeng negosyante ay nagpaplanong ­tumakbo para sa halalan sa barangay, gayunpaman, sinabi ng mga awtoridad na napakalayo pa ng halalan upang ikonekta na ang pagpatay ay may kaugnayan pulitika.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with