Rank 4 ‘most wanted’ timbog sa Quezon
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Naaresto ang isang lalaki nakatala bilang Rank 4 Regional Most Wanted Person (MWP) at High Value Individual (HVI) sa joint operation ng pulisya sa Sitio CTC Manggahan, Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, naaresto ng pingasanib na puwersa ng Candelaria Municipal Police, 1st QPMFC, SOU 4A PNP-DEG, at Sariaya Municipal Police ang suspek na si alyas “Darwin”, 39-anyos sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ng RTC Branch 53, Lucena City.
Sa isinagawang preventive search, nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang 54.19 gramo ng hinihinalang shabu na may PDEA Standard Drug Price na P368,492, isang kalibre .45 baril na may magazine, bala, at isang hand grenade.
Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591, at RA 9516 bukod sa kasong murder.
- Latest





















