^

Pang Movies

Kris, may update sa matinding nararamdamang sakit

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, may update sa matinding nararamdamang sakit
Kris Aquino

Maagang dumalaw si Kris Aquino sa puntod ni dating pangulong Noynoy Aquino kahapon kasama ang anak na si Bimby.

Inaalala kahapon ang pagkamatay ni former Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na pumanaw five years ago sa edad na 61.

Naging pa­ngulo siya ng Pilipinas noong 2010 at namatay dahil sa renal failure.

Ayon sa post ni Kris, sobra ang nararamdaman niyang sakit dahil ang kanyang kanang tuhod daw ay namamaga pero tinutupad daw niya ang mga sinabi sa kabila ng pinakamatinding sakit ng katawan.

Nagpasalamat din siya sa mga pumupuri kay Bimby sa pagi­ging guest co-host nito sa Eat Bulaga.

Laking studio at marami na ring nagawang endorsement kaya natural na raw ang pagho-host nito.

Buong post ni Kris na kalakip ang photo nila ni Bimby na nakatalikod na nasa Manila Memorial na aniya ay maaga talaga ang ginawa niyang pagdalaw sa kapatid kahit na nakaka-trigger sa kanyang lupus ang sikat ng araw.

“Bimb & i had to go very early, we were in Manila Memorial at 6:30 AM. Sun exposure is a major trigger for a lupus flare. I’ve promised to stay true to all of you- from being strong and so close to my goal during Bimb’s birthday in April, i started feeling the full force of post covid fatigue syndrome around the end of May, and our weird weather has made me suffer from the worst Rheumatoid Arthritis flare. My right knee is so swollen and with many bone protrusions. But i keep my word, despite going through the worst body pain.

Thank you for your encouraging comments about Bimb’s hosting on Eat Bulaga. He’s natural because from the time he was born “laking studio” na sya and he’s done major endorsements from the time he was 4 months old and has been my cohost for the summer episodes of Kris Tv. Thank you for praising him for being humble and marunong makisama - Tito Noy was a great example. Happy 5th birthday in heaven Noy.

“Kuya Josh, Bimb & i love you.”

Si Josh ay nakitang kasamang dumalaw ang pamilya Aquino sa puntod ni PNoy na tahimik na pumanaw noon.

Coco, ni-request ang TV5!

Nakakatuwa namang makita na nagsasama ang mga opisyal ng iba’t ibang TV network at media na hindi mo akalaing mangyayari noon.  Dumalo ang executives ng ALLTV at TV5 sa ABS-CBN para mapanood nang live ang pagsisimula ng Coco Martin’s Sigabo.

Susundan ito ng pag-ere ng Face to Face with Ate Koring ng TV5 sa Kapamilya Channel naman sa susunod na linggo. Ikinatuwa ito ni Coco Martin at nagpasalamat sa lahat. “Grateful kasi nandito lahat. Nagsama-sama, nagtulung-tulong. Kasi ang ibig sabihin nito, isinisigaw natin sa buong Pilipinas na dapat magtulung-tulong tayo at magsuportahan para dito,” sabi ni Coco.

Well, kakaiba rin talaga ang husay ni Coco sa pagkukuwento. Pati action stunts, ibang level na rin ang gawang Pinoy. Sabi nga ni Eric Tai na kasama sa cast, pang-world class ang action scenes. ‘Di lang ito ang pagsasama ng TV networks.

May collab din ang ABS-CBN at GMA sa teleserye gaya ng The Secrets of Hotel 88 at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang Eat Bulaga naman ng TV5 ay umeere rin sa RPTV. Pati ang government station na PTV ay makikipag-collab na rin sa ABS-CBN, GMA at TV5, ayon sa post ng bagong general manager na si Lino Cayetano.

Sa ibang bansa, matagal nang ginagawa ang ganitong setup. Halimbawa nito ang The Oprah Winfrey Show, na ginawa ng Harpo Productions para ipalabas sa iba’t ibang local TV stations sa Amerika. Kaya’t magandang nakikita na nagtutulungan ang lahat para sa ikabubuti ng industriya.

Sa rami ng kalabang palabas, kailangan talagang magsama-sama ang media o TV networks para mabuhay.

Ano kaya ang susunod na collab ng mga TV network? Abangan na lang natin.

Sa panahon ngayon, ang tunay na laban ay hindi na network kontra network. Ang laban ay kung paano patuloy na ihahatid ang mga palabas sa mas maraming manonood. Kaya suportahan ang sariling atin.

By the way, nabanggit nga pala ng isang source na si Coco talaga ang nag-request na mapanood ulit siya sa TV5 kung saan naganap ang pirmahan ng kontrata noon lang daw Huwebes, three days bago nag-umpisang mapanood ang Sigabo.

Robin at BB, humabol sa burol ni Rene

Bumaha ng luha kahapon ang libu-libong nagsama-sama para kay Rene Baterbonia na inihatid na sa huling hantungan.

Kitang-kita sa mga video na kumalat kahapon ang epekto ng nalunod na estudyanteng atleta sa Aurora, hindi lang sa kanyang mga kababayan sa Agusan kundi maging sa buong bansa.

Sana nga ay makamit ng kanyang pamilya ang katarungan sa maagang pagkamatay niya dahil sa pagkalunod ilang araw lang mula nang umalis siya ng kanyang probinsiya para magsanay at maglaro sa UAAP para sa Ateneo.

 Nakita naman bago ilibing si Rene si Sen. Robin Padilla kasama si BB Gandanghari.

Sa post ni Sen. Robin, aniya ay sinabi nitong “ang naganap sa pamilya Baterbonia ay salamin ng bawat buhay at pangarap ng mga Pilipino lalo ang nasa tawid dagat...”

Totoo at ‘yun talaga ang nagpaluha sa maraming Pilipino kung saan nangarap ang isang tulad niya para sa kanyang pamilya pero naglaho.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with