Baldwin, dapat managot sa kaso, ‘wag ipadeport - solon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na hindi dapat payagang makalabas ng bansa si dating Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin dahilan kailangan nitong panagutan ang trahedya sa pagkalunod ng mga estudyanteng atleta na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili nang lumabas sa imbestigasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hindi aksidente ang pagkalunod.
Pangalawa, ayon pa kay Ordanes na ang mga administratibong ahensya ng gobyerno ay may sapat na dahilan upang suspendehin ang lahat ng akreditasyon at lisensya ng mga Ateneo men’s basketball coaches.
Dapat din ipag-utos ng Games and Amusements Board (GAB), Philippine Sports Commission at sports leagues ang kumpleto at masusing pagrerebyu at reporma bilang pagtalima sa kaligtasan at pamamalakad sa mekanismo.
- Latest



















